Dahil sa pagtatalo sa relihiyon, lalaki ginilitan ng kaibigan

Dahil umano sa pagtatalo sa relihiyon napatay ng isang lalaki ang kanyang kainuman sa Brgy Biao Joaquin Calinan District, Davao City.

Agad naman nadakip ng Calinan Police Station ang suspek na si alyas Joselito, 23 taong gulang.

Napagalaman na ininsulto umano ng biktimang si alyas Michael, 39 taong gulang ang relihiyon ng suspek na ikinagalit nito.

Ginilitan ni Joselito si Michael dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Nahaharap ngayon sa kasong Murder si Joselito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *