3-M pang Sinovac vax, dumating narin sa PH

Ipamamahagi sa Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, Central Visayas, Davao Region ang karagdagang tatlong milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccines na dumating sa bansa kahapon.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., ang naturang bakuna ay gagamitin ng naturang mga lugar bilang first doses, habang second doses naman sa National Capital Region.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Sa ngayon, sinabi ni Galvez na nasa 18,475,950 million Filipinos na ang fully vaccinated.

Samantala, sinagot naman ng vaccine czar ang naunang komento ni Vice President Leni Robredo na nananatiling mabagal ang pamamahagi ng bakuna sa bansa.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Paliwanag nito, mabagal, dahil halos 58 million doses na ang dumating pero 17 million pa lang ang nababakunahan, na ibig sabihin hindi tama ang pagcompute ni Robredo sa pagbabakuna.

Giit ni Galvez, kailangan rin ikonsidera ang hamon sa vaccine distribution.