Higit 2M doses ng Pfizer vaccine na bigay ng US, dumating na sa Ph

Dumating na sa bansa ang mahigit dalawang milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na bigay ng United States.

Ang 2,020,590 doses na donasyon sa pamamagitan ng COVAX ay bahagi ng pangako ng US na magbibigay ng 10 million Pfizer shots para sa Pilipinas.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Maliban dito, may 500,000 doses pa na nakatakdang dumating ngayong araw rin.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, makakatulong ang donasyon para matugunan ang COVID-19 surge na nararanasan ngayon ng bansa, at sinabing dapat gamitin ito sa pagbabakuna sa mga senior citizens.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Sa kasalukuyang, mayroon pa kasing mahigit 3.5 million elderly Filipinos ang hindi pa bakunado.