Muling nilinaw ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang rekomendasyon ang Department of Health (DOH) kaugnay sa pagbabakuna sa mga indibidwal na may edad 12 hanggang 17 taong gulang laban sa COVID-19.
Ayon kay Vergeire, pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang posibilidad na pagbabakuna sa naturang age bracket, partikular na sa kaligtasan at equity na hatid ng COVID vaccines sa mga bata.
Binigyang diin rin nito na bagama’t malaki ang tsansa na mahawa ang mga bata sa naturang sakit, pero ang risk ng severe infection at pagkamatay ay mas common sa mga matanda.
Dahil rin sa unstable na suplay ng bakuna, mas gusto ng pamahalaan na pagtuunan muna ng pansin ang mga mas nakatatanda na may vulnerability to severity and dying.

Una nito, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na bilang “general policy,” inaprubahan ng panel ng mga eksperto ng gobyerno ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga may edad na 12 hanggang 17 taon.