3 edipisyo ng magkakaugnay na sangay ng gobyerno binuksan

SORSOGON CITY – Bukas na para sa pagbibigay serbisyo ang mga bagong gusali ng pamahalaan ng Sorsogon para sa pangangalaga ng ating alagang hayop.

Itinayo ang mga bagong pasilidad sa Brgy. Cogon sa bayan ng Juban. Binubuo ito ng bagong opisina ng Provincial Veterinary, Animal Shelter, at Animal Diagnostics Laboratory.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

May kakayanan ang mga bagong pasilidad hindi lamang sa konsultasyon, kundi maging sa panggagamot, laboratory at surgery.

Magsisilbi namang pansamantalang tahanan ng mga nahuling asong gala ang animal shelter at dito gagawin ang eksaminasyon, gamutan at rehabilitasyon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Layon ng buong pasilidad na mapangalagaan ang kapakanan ng mga hayop, base na rin sa RA 8485 o ang Animal Welfare Act.

PHOTO: SPIO