SORSOGON CITY – Nakiisa sa mas pinaigting na kampanya kontra kriminalidad ang mga himpilan ng pulisya sa bawat bayan sa lalawigan ng Sorsogon.
Isinusulong ngayon ng mga kawani ng PNP ang E-SUMBONG, isang web-based information system kung saan iipunin ang mga reklamo, paghingi ng tulong, at serbisyo publiko ng kahit sinong concerned citizen gamit ang iba’t-ibang online platform.
Nagsabit ng mga tarpaulin ang bawat himpilan para ipalaganap ang impormasyon ukol dito.
Maaaring gamitin ang nakasanayang nang text sa PNP hotlines, email, facebook, at e-Sumbong web portal para sa mas mabilis na pag-aksyon at pag-resolba sa mga idinudulog na isyu.
