PNP nagtala ng 139 na bagong COVID-19 cases

Umakyat sa 1,862 ang bilang ng mga aktibong COVID-19 cases mula sa hanay ng Philippine National Police matapos itong madagdagan ng 139 na kaso.

Dahil diyan ay pumalo na sa 47,897 ang bilang ng mga positibong kaso na naitala sa PNP mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

45,909 mula sa nasabing bilang ang naka-recover na habang nanatili naman nasa 126 ang mga nasawi.

Samantala, base sa datos ng PNP ay fully vaccinated na ang 218,102 na tauhan nito na katumbas ng 96.85%

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Nasa 6,150 naman o 2.73% ang naghihintay para sa second dose at nasa 82,524 o 37.84%  ang nakatanggap na ng booster shots.