50% adult Filipinos, nababagalan sa COVID-19 vaccination -SWS poll

Ibinunyag sa isang bagong survey na kalahati o 50% ng mga adult Filipino ay nababagalan sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Batay sa Social Weather Stations poll, lumalabas na 35% ng respondents ang nagsabing ‘somewhat slow’, ang vaccination, 15% ang sumagot ng ‘too slow’, habang 45% ang nagsabing ‘it’s alright’.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Isinagawa ng poll body ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa mula June 23 hanggang 26.

Sa kanilang sariling mga bayan o lungsod, 44% ng mga respondents ang nagsabing ang progress ay mabagal, 31% ang sumagot ng ‘somewhat slow’, 13% ang ‘too slow’, at 49% ang nagsabing ito ay ‘alright’.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Kung sa kanilang barangay ang pag-uusapan, 51% sa mga ito ang nagsabing slow (29% somewhat slow, 21% too slow) at 41% alright.

Samantala, binigyang diin ng SWS na 68% ang nagsabing madali lang sa kanila ma-access ang vaccination sites, 54% ang nagsabing very easy at 14% somewhat easy, habang may 3% na nagsabing may access pero mahirap at 29% ang wala talagang access. //MHEL PACIA-TRINIDAD