3 casualty sa landslide sa Benguet, bine-verify na ng NDRRMC

Kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesman Mark Timbal na may report silang natanggap kaugnay sa sinasabing casualty matapos ang landslide sa La Tirinidad Benguet kagabi bunsod ng malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyong Maring.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Ayon kay Timbal sa inisyal na impormasyon na kanilang natanggap tatlo ang nasawi sa pagguho ng lupa habang dalawa pa ang patuloy na pinaghahanap.

Nilinaw naman ni Timbal na patuloy pa nilang binibirepika ang naturang ulat.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Maliban dito marami din umanong mga indibidwal ang na-stranded sa La Trinidad matapos pansamantalang isara ng LGU ang ilang kalsada na prone sa land slide.

Tiniyak naman ng NDRRMC na nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.