3 barangay sa Pola, Oriental Mindoro, 100% nang nalinis mula sa oil spill

Tatlong barangay sa Pola, Oriental Mindoro ang isang daang porsyento nang nalinis mula sa oil spill ng lumubog na MT Princess Empress.

Sa ng ulat ng  Incident Management Team  ng PCG, ang mga bgy na 100% nang malinis sa oil spill ay  Tiguihan, Barangay Zone 1, at Barangay Zone 2.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Sa kabuuan, nasa 80% na ang clean-up sa ilang mga baybaying apektado ng oil spill.

Tinatayang aabot na sa 80.71% ang completeness ng shoreline clean-up sa Pola.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Nasa 74.82% naman nang tapos ang paglilinis sa Naujan.

Samantala, humigit-kumulang pitong kilometro ng baybayin sa Pola at halos dalawang kilometro sa Naujan ang nananatiling kontaminado pa ng tumagas na langis.//CA