Mahigit P4-B halaga ng iba’t ibang klase ng iligal na droga, sinira ng PDEA

Nasa mahigit P4 bilyong halaga o 700 kilo ng iba’t ibang klase ng mga nakumpiskang iligal na droga ang sinira ng Philippine Drug and enforcement Agency (PDEA) ngayong Huwebes, Abril 27, sa Trece Martires, Cavite.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Kabilang sa mga sinirang iligal na droga ang 575 kilo ng nakumpiskang shabu sa isang Chinese national sa Baguio nitong Marso.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Bukod pa ang mga nakumpiskang cocaine, ecstasy, codeine, ephedrine, phentermine, at liquid marijuana.

Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng pagpapaigting ng pamahalaan sa kampanya laban sa iligal na droga.//CA