Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon isang executive order na bubuo ng Water Resources Management Office sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources upang matiyak ang maayos na pangangasiwa sa water resources sa bansa.

Sa ilalim ng Executive Order No. 22, ang WRMO ay inatasang siguraduhin ang agarang pagpapatupad ng Integrated Water Resources Management alinsunod sa United Nations Sustainable Development Goals at bumalangkas ng kaukulang Water Resources Master Plan.
Inaatasan din ng EO ang WRMO na suportahan sa tulong ng Presidential Legislative Liaison Office ang pagpasa ng panukalang batas para sa pagtatatag ng Department of Water.
Ang WRMO ay pamumunuan ng Undersecretary na hihirangin ni Pangulong Marcos Jr. batay sa rekomendasyon ng kalihim ng DENR.//CA