3 ARBOs mula Masbate idinagdag para magsuplay ng pagkain at mga gulay sa mga PDL

Kabuuang 12 agrarian reform beneficiary organization o ARBOs mula sa iba’t-ibang probinsya sa Bicol Region ang nagbibigay ng gulay at iba pang pagkain sa mga person deprived of liberty (PDL) sa tulong ng Dept of Agrarian Reform-Bicol.

Ayon kay DAR-Bicol information assistant officer Niriza Barquilla, tatlong ARBO mula sa Masbate ang idinagdag sa naunang 8 grupo mula sa catanduanes at Camarines Sur.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, ang tatlong karagdagang ARBOs ay lumagda sa isang marketing agreement sa pagitan Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty Program (PAHPP).

Ang BJMP-Mobo sa Masbate ay regular na bibili ng mga produkto ng ARBOs batay sa umiiral na presyo sa merkado. Ang nasabing jail facility ay nangangailangan ng mga pagkain para sa mga PDL kabilang ang mga shell, alimango, hipon, tahong, palay, gulay, poultry products, root crops, at iba pang farm products at services.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang mga bagong ARBOs mula sa Masbate ay ang Cayabon Agrarian Reform Cooperative, Baclay Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative ng bayan ng Milagros at Lauma Exin Pi People’s Organization ng bayan ng Mobo.