LEGAZPI CITY – Opisyal nang nakakuha ng akreditasyon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Bahay Pag-Asa (BPA) for Girls sa lalawigan ng Albay.
Ang nasbaing akreditasyon ay ibinigay dahil sa pagsunod at pagcomply nito sa pagpapatupad ng Residential-Based Program and Services for Children in Conflict with the Law.
Ayon kay Leonor P. Loneza ng Bahay Pag-Asa Albay, ang accreditation certificate ay may bisa hanggang taong 2026. Bukod dito, tinutulungan din sila ng iba pang departamento sa antas ng probinsiya tulad ng kanilang maintenance, Provincial Legal Office para sa legal advice at tulong, gayundin ang Provincial Health Office (PHO) para sa health monitoring at check-up ng mga residente.
Ayon pa kay Loneza, marami pa umanong aktibidad ang BPA para sa mga kliyente lalo pagdating sa livelihood services, gardening medical, dental services, ang karaniwang aktibidad ng mga bata tulad ng indoor at outdoor games, panonood ng telebisyon, food preparation trainings at modular education.
Ang Bahay Pag-Asa for Girls sa Albay ay pinamamahalaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Maria Vivien Andes Cea.