Naghain si Senator Lito Lapid ng panukala na nagsusulong ng 28 araw na paid leave sa mga empelyado na imamandatong mag-quarantine dahil sa exposure sa mga nakakahawang sakit at delikadong kemikal.
Sa ilalim ng Senate Bill 2404 o ang proposed “Paid Quarantine Leave Benefit Act” ay magiging entitled ang mga empelyado sa paid leave na katumbay ng kanilang daily wage rate sa buong panahon na kinailangan nilang mag-quarantine.
Nilinaw rin sa panukala na wala itong magiging epekto sa umiiral na sick leave, hazard pay, at iba pang benepisyo ng mga empleyado, na ipinagkaloob sa ilalim ng collective bargaining agreement, o ng mga kasalukuyang batas.

Ipinunto rin sa panukala na kailangan ng Social Security System (SSS) at ng Government Service Insurance System (GSIS) na i-reimburse ang mga employers ang bayad sa quarantine leaves.
Gayunman, kailangan ng employer na sagutin ang pagbabayad sa quarantine leave benefit sakaling mapatunayan na na-expose ang empelyado nito dahil sa pagpapabaya ng kompanya.
Sakali naman maisabatas ang panukala, ay pwedeng mapatawan ng mula ng tinatayang P30,000 hanggang sa maximum na P200,000 ang mga kompanya na tatanggi na i-implementa ang quarantine leave benefit.