Tumaas sa 39,224 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 , matapos magpositibo sa sakit ang karagdagang 118 na empelyado ng Philippine National Police.
Base sa huling datos ng PNP ay makikita na umangat ang recoveries nito sa 36,877 matapos ang paggaling ng karagdagang 166 na pulis.

Nanatili naman sa 116 ang death toll ng PNP.
Pero sa ngayon ay meron pang 2,231 na aktibong kaso sa loob ng organisasyon.
Mababatid na naitala ang mahigit 2.47-milyong kaso ng COVID-19 sa buong bansa kabilang na ang mahigit 2.26-milyong recoveries at 37,405 na nasawi.