3-milyong karagdagang Sinovac COVID-19 vaccine, dumating sa Pilipinas

Nakatanggap ang Pilipinas ng karagdagang 3-milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine kagabi.

Ayon sa National Task Force against COVID-19 (NTF) ay dumating ang 3-milyong doses ng China-made vaccine na binili ng gobyerno sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City bago mag-6, kagabi.

Sa pagdating ng bagong batch ng COVID-19 vaccine, ay umabot na sa kabuoang 69.7-million doses ang natatanggap ng Pilipinas.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Noong Huwebes ay nai-deliver rin sa bansa ang 728,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine doses.

Inihayag naman ni vaccine czar Secretary Carlito Gealvez Jr. na ipapadala ang panibagong batch ng Sinovac vaccines sa mga probinsya sa regions IV-A, 3, 6, 7, 11, 2, 1 at 9.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ipinunto naman ni Galvez na fully vaccinated na ang 70-percent ng adult population sa Metro Manila, kabilang na ang 86-percent nito na nabigyan ng at least one dose.

Umaasa naman si Galvez na magiging fully vaccinated na ang 90-percent ng target adult population ng Metro Manila sa katapusan ng Oktubre.