SORSOGON CITY – Nadagdagan naman ang bilang ng mga pasyenteng nasawi sa lalawigan ng Sorsogon dahil sa komplikasyon sa virus.
Muling nakapagtala ang Sorsogon Provincial Health Office ng tatlong bagong nasawi, kung saan dalawa dito ay senior citizens.
Kinabibilangan ito ng isang 61-anyos na lolo mula sa Brgy San Vicente, Bacon District at 71-anyos na lola mula naman sa Brgy Bibincahan ng parehong lungsod, habang isang 39-anyos na lalaki naman mula sa Brgy Salvacion sa bayan ng Pilar.
May kabuuang 415 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa komplikasyon dulot ng Covid-19, 143 dito ay mula sa Sorsogon City.

