248 na empleyado, nabigyan ng emergency employment sa Tacurong

KORONADAL CITY — UMAABOT sa 248 na mga beauticians, barbero, at masahista sa Tacurong City ang nabigyan ng emergency employment ng local government.

Nasa ilalim ng personal care service sector ang nasabing mga trabahante na nawalan ng trabaho matapos nag-sara ang kanilang mga shops o pwesto dahil sa implementasyon ng General Community Quarantine sa lalawigan ng Sultan Kudarat noong Hunyo.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nasa P1.24 million ang inilaan ng city government ng Tacurong bilang tulong sa mga apektadong trabahante kung saan makakatanggap ng tig-P5,000 na sahod ang bawat isa sa mga ito kapalit ng 15 araw na trabaho.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Kabilang sa trabaho ng mga ito ang ang pag-disinfect at paglinis ng kanilang mga pwesto at kabahayan na nagsimula noong Setyembre 1 at magtatapos sa Setyembre 21.