Publiko, inalerto sa mga pag-ulan sa Koronadal

KORONADAL CITY — DAHIL sa madalas na pag-ulan sa Koronadal at mga karatig-lugar, muling pina-alalahanan ngayon ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer o CDRRMO Cyrus Jose Urbano sa publiko lalo na ang mga naka-tira sa mga mabababang lugar, malapit sa mga bangin, ilog at sapa na maging alerto sa lahat na oras
Hiling ni Urbano sa mga ito na maging alerto lalo na kung masama ang panahon upang maiwasan ang posibleng trahedya dala ng kalamidad gaya na lamang ng flash floods at landslide.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon sa ospisyal na kung may naka-ambang peligro dahil sa mga pag-ulan, agad na lumikas sa mas ligtas na lugar habang maaga upang maiwasan ang trahedya.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Umapela din ito sa publiko sa tamang pagtatapon ng basura upang hindi maging sanhi ng pag-bara sa mga kanal na isa sa mga dahilan ng pag-apaw ng tubig-baha.

Una rito, ilang mga barangay sa Koronadal ang binaha noong nakaraang linggo dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan.