2 opisyal ng bayan, namatay sa Covid19; SP nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya

Batangas -Kapwa binawian ng buhay dahilan sa Covid19 ang konsehal at dating alkalde ng magkaibang bayan sa Batangas.

Sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, una nang nagsumite ng resolusyon ng pakikiramay ang pamunuan ni Board Member Ronald Cruzat, Pangulo ng Liga ng mga Konsehal sa Batangas para sa pamilya na naiwan ni Bauan Councilor Johnell Abante.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ganito dina ng tema ng resolusyon na ipinasa ni 3rd District BM Joanna Corona para sa pamilya na naiwan ni dating Mayor Peping Sandoval ng San Nicolas, Batangas.

Ayon sa mga mambabatas ng Sangguniang Panlalawigan ang dalawa ay binawian ng buhay dahilan sa Covid19 nitong mga nakaraang mga araw.

Lubos na pakikiramay ang ipinaabot ng mga mambabatas ng Sangguniang Panlalawigan sa mga pamilya ng namayapang mga opisyal ng bayan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Samantala, dasal naman ang hiling ni Taysan Mayor Grande Gutierez nang magpsoitibo  ito sa Covid19, ang nasabing alkalde ay naghihintay ng kanyang iskedyul upang mailipat na isolation facility kasabay ng katiyakan na tuloy-tuloy pa rin ang magiging serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Taysan, Batangas sa mamamayan nito.