Daan-daang doktor sa Malaysia, nagkilos-protesta

Nagsagawa ang daan-daang junior doctors ng state-run Malaysia hospitals ng walkouts upang ipanawagan ang mas mabuting kondisyon sa gitna ng paglala ng COVID-19 outbreak sa naturang bansa.

Suot ang mga itim na pang-itaas ay ibinandera ng mga mga doktor ang signs nito na may slogans na “equal pay, equal rights, equal opportunity”.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Binigyang diin rin nila na sila nag future specialists ng kanilang bansa.

Ipinunto ng mga doktor na sila ay naka-kontrata lamang sila, at ang pagtrato sa kanila ay mas malala pa kaysa sa mga permanent government staff, kahit sila ang nasa frontline sa laban kontra COVID-19.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Inireklamo rin ng mga doktor ang kawalan ng job security, at poor benefits habang konti lamang sa mga miyembro ng kanilang propesyon ang inaalukan ng permanenteng mga posisyon.

Base sa ulat ng local media ay daan-daan ang nagpartisipa sa nasabing kilos-protesta na idinaos sa buong bansa.