Dalawang bagong kaso ng COVID-19 naitala kahapon sa lalawigan ng Camaries Norte

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 2 bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte kahapon 

Sa ipinalabas na Case bulletin report ng DOH Bicol, ang mga bagong kaso ay naitala mula sa bayan ng Labo at Vinzons.

Sa kasalukuyan ang Camarines Norte ay may kabuuang bilang na 1,247 at mula sa naturang bilang 311 ang aktibong kaso, habang nanatili naman sa 881 ang bilang ng mga nakarekober at 55 ang bilang ng mga nasawi sa sakit

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kaugnay nito,  sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19  na naitatala sa Camarines Norte umaapela ang IMT sa publiko na bigyang importansya ang pagsunod sa minimum health protocols na ipinapatupad, Kasabay ito ng pagbuo ng mas epektibo pang stratehiya sa posibilidad na makapasok ang Delta Variant sa lalawigan 

Ang mga local enforcers sa lalawigan  ay magkakatuwang na nagpapatupad ng Oplan Sita upang tingnan kung nakakasunod ang mga pribado lalo na ang pampublikong sasakyan sa umiiral na health protocols.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa gitna na rin ito ng pagpaaalala ng DOH na sinabing “best preventive measures” pa rin ang pagsunod sa Minimum Public Health Standards laban sa pag mutate ng virus.