Kongresista, hiniling sa Pangulo na gawing priority bill ang panukalang pre-audit system

Hiniling ng ilang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-certify bilang priority bill ang panukala para sa pre-audit system na nakabinbin ngayon sa House of Representatives.

Sa isang pahayag ay sinabi ni San Jose Del Monte City Representative Florida Robes na posible na ang pre-audit system bill na ang maging sagot para maiwasan ang mga kontrobersya na may kinalaman sa findings ng Commission on Audit (COA) sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Robes, layon ng panukala na i-institutionalize ang pre-audit system sa disbursement ng public funds upang mabawasan o maiwasan ang mga nakukuwestyon na paraan ng paggamit sa public funds.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Naniniwala ang mambabatas na maisusulong ang transparency at accountability sa disbursement ng public funds kung maipapasa ang batas.

Titiyakin rin anya nito na sapat ang kapasidad ng mga ahensya ng gobyerno at ng local government agencies na i-implementa ang mga programa nito sa nakatakdang oras.