22 Senador – lumagda sa resolusyong pinasususpinde ang PUV Modernization Program

Umabot na sa dalawampu’t dalawang senador ang lumagda sa resolusyong naglalayong pansamantalang suspendihin ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) o tinatawag ngayong Public Transport Modernization Program (PTMP).

Ang Senate Resolution No. 1096 ay isinumite ni Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senador Raffy Tulfo matapos niyang mapag-alamang hindi umano planado at minamadali lang ang pagsasagawa ng modernization program.

Read More:  PCG recovers multiple sacks in Taal Lake

Binigyang-diin naman din ng senador sa nasabing resolusyon ang mga hinaing ng bawat apektadong driver, grupo, union at maging transport cooperatives.

Read More:  CICC orders influencers to delete online gambling posts

Sa ngayon, hindi pa nakakapagpaliwanag si Senadora Risa Hontiveros kung bakit hindi niya pa ito napipirmahan..

Maalala, ayon sa Department of Transportation, nakatakda silang magpaabot ng sulat sa opisina ni Senate President Chiz Escudero upang ipakita ang tunay na kalagayan ng kanilang ginagawang modernisasyon.