Senior citizen, nakuhanan ng P10M shabu

Nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang High Value Individual drug personality sa buy bust operation.

Nangyari ang operasyon sa Sitio Puso Center, Brgy. Mactan, Lapu-Lapu City, Cebu.

Read More:  PNP officer shoots fellow police, civilian in Cavite; 2 dead

Kinilalang ang suspek na si JERRY o alyas GORYO, 61-anyos.

Narekober mula kay Goryo ang labing pitong sachet at isang vacuum-sealed plastic packs ng hinihinalang shabu.

Tumataginting na mahigit P10 Million ang halaga nito.

Read More:  Philippine Army deploys additional forces to BARMM ahead of 2026 elections

Sinabi naman ng suspek na hindi niya kilala ang nag-uutos sa kanya dahil sa cellphone lamang sila nagco-cummunicate.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung saang lugar pa siya nag su-supply ng iligal na droga.