Narekober ang 22 bangkay sa ilang mga lugar na tinamaan ng landslides sa Baybay City, matapos ang paghagupit ng tropical storm Agaton sa Leyte.
Sa inisyal na ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), 16 katao ang narekober sa Barangay Mailhi, dalawa sa Barangay Maypatag, Barangay Bunga mayroong isa, at Barangay San Agustin mayroon tatlong narekober.

Samantala, may dalawang indibidwal na narescue sa landslide sa Barangay Bunga.
Patuloy naman ang ginawang search operation ng mga otoridad sa anim na mga indibidwal ang napaulat na nawawala, habang 16 katao ang sugatan dahil sa tropical storm.