136,390 apektadong indibidwal bunsod ng bagyong Agaton

Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na pumalo sa 136,390 indibdiwal o pamilya ang apektado ng bagyong Agaton sa 201 barangay sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Sinabi rin ng NDRRMC na may 52 kabahayan ang nasira, kung saan 49 dito ang partially at tatlo ang totally damaged sa Central Visayas, Northern Mindanao, at Caraga.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Maliban dito, nasa P874,000 ang halaga ng danyos sa agrikultura ang napaulat sa Soccsksargen at Bangsamoro.

Kinumpirma rin ng ahensya na naitala ang 195 flooding incidents, 13 landslides, at anim na flash floods.