174, 160 doses ng COVID vaccine naiturok na sa mga taga Camarines Sur; pagbabakuna sa expanded A3 sinimulan na

NAGA CITY- Umabot na sa 174, 160 doses ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa mga taga Camarines Sur, hindi pa rito kasama ang bilang mula sa dalawang lungsod.

75% ito sa allocated vaccines para sa 1st at 2nd dose na 232, 582 doses mula sa ibat-ibang brand ng bakuna. Ang bilang ay pinakamalaki sa Bicol Region. Ito ay batay sa inilabas na update ng Department of Health-Bicol

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala sa abisong inilabas ng National COVID-19 vaccination operations Center, maari nang bakunahan ang mga buntis ,sila ay kabilang sa expanded A3 priority group. Ang mga nasa 1st trimester ay dapat munang magkatoon ng medical clearance mula sa kanilang attending physician kung maaaring bakunahan kontra COVID-19.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa bayan ng Bombon Camarines Sur may mga buntis nang vaccinated.

Ayon kay Dr. Rita Ang-Bon, DOH-Bicol Covid-19 vaccine program coordinator , may mga LGUs nang nagbabakuna sa buntis kabilang pa dito ang mga frontlines na nagdadalang tao, subalit ngayon wala pang record ang DOH kung ilan.