21-anyos na lalaki, sinaksak sa likod ng hindi pa nakikilalang suspek sa General Nakar, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin sa likod ng hindi pa nakikilalang suspek sa General Nakar, Quezon kamakailan.

Ayon sa report, sakay noon sa motorsiklo ang 21-anyos na biktima at patungo sana sa town proper nang bigla itong sinaksak ng hindi pa nakikilalang suspek.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Samantala, isinugod naman sa hospital ang biktima habang ang suspek naman ay agad na tumakas matapos ang insidente.

Read More:  PCG investigates source of oil spill in Mariveles, Bataan

Sa ngayon, nagpapagaling na ang biktima habang nagpapatuloy naman ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo nito sa pananaksak sa biktima.