PVL champion import Janisa Johnson pumanaw sa edad na 32 dahil sa cancer

Nagpa-abot ng pakikiramay ang buong Premier Volleyball League sa pagpanaw ni dating PVL champion import Janisa Johnson.

Pumanaw si Johnson sa edad na 32-anyos matapos ang tatlong taon pakikipaglaban sa sakit na colon cancer.

Naglaro ito sa PVL mula 2018 hangang 2019 at tinulungan ang Petro Gazz Angels para sungkitin ang 2019 Reinforced Conference kung saan hinirang siya bilang Finals MVP.

Matapos ang title-winning stint noong 2019, lumipat si Johnson sa Europe at naglaro sa Polish side na Radomka S.A.