Nakasungkit ng panibagong achievement ang nation’s P-pop girl group na Bini!
Umabot na kasi sila sa 6 million monthly listeners sa Spotify.
Sa Instagram story ng member nitong si BINI Maloi, inanunsyo niya ang magandang balitang ito sa mga netizens at sa kanilang fans na Blooms.
Matatandaan na kamakailan lamang ay ibinahagi rin ng grupo na umabot na sila sa 1 milyong followers sa Instagram.
Ang BINI ang nasa likod ng mga trending songs na Salamin, Salamin, Lagi, at Pantropiko.