Himas-rehas ang isang 21-anyos na babaeng bumisita sa kanyang live-in partner na naka-detine sa Lucban Municipal Police Station para sana magdala ng pagkain matapos itong makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nakalagay sa espasol bandang alas-10:00 ng gabi nitong, Hulyo 14.
Ayon sa report, pinayagan umano ng custodial officer na magdala ng pagkain ang suspek bilang konsiderasyon dahil ililipat na ngayong araw sa Pagbilao District Jail ang live-in partner nito.



Sa gitna ng pagche-check ng officer sa pagkaing dala nito, doon na nadiskubre ang sachet ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱4,896.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.