Pinakamalaking grupo ng mga magsasaka sa bansa, suportado ang pagbaba ng taripa ng bigas

Suportado ng National Confederation of Irrigators Association Inc. o NCIA ang Executive order number 62 o ang pagpapababa sa taripa ng bigas sa 15% mula sa dating 35%.

Sa resolusyon ng NCIA, nakasaad na palagi silang naniniwala sa kakayanan ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagtataguyod sa kapakanan ng mga magsasaka.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ito’y sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang programa, tulong at hakbang na patunay ng patuloy na suporta ng Pangulo sa sektor ng Agrikultura.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Samantala, naka takda namang isumite ng grupo ang kopya ng kanilang resolusyon kay Pangulong Marcos kasabay ng gaganaping inagurasyon ng Rice Processing System sa Ilocos Norte ngayong linggo.