NAGA CITY – Nakaabang na ang Sambayanang Pilipino sa magiging laman ng State of the Nation Address na gagawin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Hulyo 22, araw ng Lunes na inaasahang maririning ang mga naging accomplishments ng kanyang liderato at ang iba pang mga plano sa Pamahalaan.
Isa sa nag-aabang ay ang dating Senador na si Bam Aquino na kamakailan lamang ay muling bumisita sa Naga City at sa kanyang pagharap sa media, kabilang na sa Brigada News FM Naga kanyang inilatag ang gusto niyang marinig na mga programang dapat na bigyan ng prayoridad ni PBBM.
Sinabi ni Aquino na dapat marinig niya at ng publiko ang tatlong programa na dapat pagtuunan ng pansin tulad ng isyu sa presyo ng mga bilihin na mahal pa rin at patuloy na idinadaing ng mga mamamayan; isyu sa West Phil Sea at ang sistema sa edukasyon na ngayon ay may bagong sekretaryo.