200 sasakyan stranded sa may border ng Camarines Sur ; PNP nagsagawa ng Barangayanihan sa mga apektadong biyahero

NAGA CITY—Umabot na sa mahigit 200 ang kabuuang bilang ng mga sasakyan na stranded ngayon sa labas ng border ng Camarines Sur matapos pansamantalang ikansela ng Land Transportation Office o LTO Bicol ang biyahe ng mga ito patungong Visayas, Mindanao, Masbate at Catanduanes dahil sa banta ng bagyong Dante.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Emilio Endrano, Acting Chief of Police ng Del Gallego MPS, sinabi nitong nasa 268 na ang kabuuang bilang ng mga sasakyan na nakapila ngayon na umabot sa mahigit isang kilometro haba.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon pa kay Endrano, sa nabanggit na bilang ng mga sasakyan, 170 ay mga cargo trucks habang 98 naman ang mga light vehicles na karamihan ay patungong Visayas at Mindanao.

Wala pang abiso kung kailan maaaring payagang makapasok ng lalawigan ang mga biyahero lalo pat magdedepende aniya ito sa operasyon ng biyahe sa Matnog Port sa lalawigan ng Sorsogon.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala, nagsagawa naman ng Barangayanihan ang mga kawani ng Del Gallego PNP kung saan namahagi ang mga ito ng libreng pagkain sa mga driver at sakay ng mga naistranded na sasakyan sa borderline ng Camarines Sur.

Maliit na tulong aniya ito upang mapawi ang bagot at gutom ng mga kababayan habang naghihintay sa loob ng kanilang mga sasakyan.

(photo: EDMERO)