Denver wagi kontra Portland matapos ang 2OT, 147 – 140; Celtics eliminated na!

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Denver Nuggets para maka-abanse sa second round ng NBA playoffs.

Tinalo ng Nuggets ang Portland Trailblazers sa isang napaka-init na laban sa Game 5 ng Western Conference series kung saan kinailangan pa ng dalawang overtime para madertemina ang panalo.

Bumida para sa Denver si Nikola Jokic na nagtala ng 38 points, 11 rebounds at 9 assists.

Nagpasiklab din off the bench si Monte Morris na humakot ng 28 puntos kabilang na ang 2 free throws sa huling segundo ng 2nd OT para ilayo Denver sa Portland.

Nabalewala naman ang 55-point playoff performance ni Damian Lillard na siyang rason kung bakit umabot sa dalawang extra 5-minutes ang laro.

Samantala sa ibang laban, tuluyan nang inilaglag ng Brooklyn Nets ang Boston Celtics matapos nitong talunin sa Game 5 na kanilang serye 123- 109.

Nanganganib na rin ang Los Angeles Lakers na ma-eliminate sa Playoffs matapos talunin ng Phoenix Suns at mai-poste ang 3-2 lead sa series.