Kinumpirma ng Philippine National Police na tinatayang 20 private armed groups na ang kanilang nabuwag bago ang May 2022 elections.
Sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na karamihan sa mga naturang grupo ay mula sa Bangsamoro at bahagi ng local terrorist groups.
Aminado naman si Fajardo na kailangan nila ng matibay na ebidensiya bago masampahan ng kaso ang mga pulitikong kumukuha ng serbisyo ng mga PAGs.
Inihayag din ni Fajardo na nakatakdang mag-isyu ng official resolution ang National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups para ma-delist na ang tatlong natitirang aktibong pre-identified PAGs.

Matatandaan na inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinumang kandidato sa eleksyon ngayong 2022 na mayroong higit sa dalawang bodyguard ay maituturing na private army na labag aniya sa election law ng bansa.//LEO NAVARRO-MALICDEM
#