Power Rate, tumaas ng bahagya ngayong abril kumpara noong Marso

Ipinaliwanag ng Palawan Electric Cooperative ang kasalukuyang power rate o singil sa kuryente ngayong buwan ng Abril.

Ayon kay Rex Ruta, Information Officer ng PALECO, ang power rate ay gumagalaw tuwing ikapito o ikawalo ng buwan.

Kalimitan sa nagbabago ay ang Generation Charge, System Loss Charge, Lifeline Rate Subsidy at Senior Citizen Subsidy.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Mapapansin rin ang itinaas ng Generation Charge ngayong buwan ng Abril mula noong Marso dahil sa pagtaas ng Subsidized Approved Generation Rate (SARG)na una nang hiniling ng NAPOCOR sa Energy Regulatory Commission o ERC.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang Lifeline Rate Subsidy at Senior Citizen Subsidy ay gumagalaw rin ang rate dahil nakadepende ito sa napagkakalooban ng subsidiya ng PALECO mula sa ating Member-Consumer-Owner o MCOS.

Samantala, humingi ng pang-unawa sa mga konsyumidores ang PALECO sa mga naaapektuhan ng mga biglaang pagkawala ng kuryente.