Kagawad, huli sa baril sa checkpoint

SORSOGON CITY – Kalaboso ang 36-anyos na Barangay Kagawad na nagtangka pang tumakas matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril sa inilatag na checkpoint sa Sitio Quarry, Brgy Dao sa bayan ng Balud, Masbate.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa illegal possession of firearm at Comelec gun ban ang suspek na kinilalang si Rodel Dela Cruz Mentino, may asawa at naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi, sakay ng kanyang motorsiklo na walang plate number nang parahin ng mga pulis si Mentino sa checkpoint na inilatag ng Balud Police, 1st Provl Mobile Force Company at ng 502nd  Maneuver Company ng Regl Mobile Force Battalion 5.

Gayunman, sa halip na tumigil ay pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang maabutan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Nang rekisahin ang dalang mga gamit ay nakuha mula sa suspek ang hindi lisensyadong kalibre 45 na pistola na kargado ng 6 na bala, isang spare magazine na kargado ng 7 bala at 10 pang bala para sa naturang baril.

Agad na binitbit ng mga pulis sa presinto ang suspek at ebidensya na nasamsam dito.