Natamong kapayapaan sa Mindanao, malaking development ayon kay Former MP Midtimbang

Wala na umanong mas hihigit pa sa pananahimik ng mga Bangsamoro sa kanilang mismong lugar kung saan tinatamasa ngayon ang awtonomiyang ipinaglalaban noon.


Ito ng sinabi ni Former BTA Member of Parliament Datu Mibpantao Antao Midtimbang Sr.,.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique


Ayon sa kaniya hindi na dapat umanong gumawa pa ng ibat-ibang alyansa ang mga bangsamoro para lamang sa kagustuhan nitong mamuno.


Bilang tagapaglingkod ng publiko dapat ani Midtimbang na huwag pairalin ang pagiging spoiler of peace dahil lamang sa pansariling interes.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod


Hinikayat ni Midtimbang ang lahat na magkaisa at bigyan ng pagkakataon ang kasalukuyang liderato ng Pamahalaan Bangsamoro dahil ito anya ay bago pa lamang at upang maimplementa pa ang mga magagandang plano ng kasalukuyang leadership ng MILF para sa mas nakakaraming Bangsamoro.