2 sa 4 Japanese fugitives, napa-deport na ng DOJ

Inaasahang matutuloy na rin ang deportation ngayong gabi ng dalawa pang natitirang mga Japanese fugitives sa bansa.

Ito ay makaraang i-dismiss na ng Pasay Regional Trial Court Branch 109 ang mga pending cases nina Yuki Watanabe at Tomonobu Saito.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Ibig-sabihin, posibleng ngayong araw ay mapa-deport na rin sila ng Gobyerno ng Pilipinas alinsunod sa kahilingan ng Japanese Government.

Kabilang pa sa mga pedning case nito ay ang VAWC charges na inihain ng kaniyang dating Pilipinang asawa.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Kung maaalala, si Watanabe ay ang pinaniniwalaaang gumagamit ng alyas ‘Luffy’ at sinasabing lider ng kanilang robbery group.

Kaninang umaga, una nang napa-deport ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Kiyoto Imamura at Toshiya Fujita.