Turkey-Syria death toll: 4,300; 248 Pinoys, apektado

Sumipa pa sa mahigit apat na libo ang tinatayang bilang ng mga nasawi sa naranasang magnitude 7.8 na lindol sa Turkey-Syria border.

Sa ulat ng local disaster offices, umakyat na sa 4,300 ang death toll sa lindol; 2,921 dito ay mula sa southern Turkey.

Mahigit sa 2,000 rin ang mga nasawi sa bahagi ng Syria.

Winasak ng pagyanig ang nasa 5,600 mga gusali kabilang na ang ilang mga multi-storey apartments dahilan para masawi ang libu-libong mga residente sa kanilang pagtulog.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Bago ito, una nang nangako ang Gobyerno ng Pilipinas na handa silang tumulong sa mga naapektuhan ng lindol.

Mahigit 200 mga Pilipino, apektado

Hindi naman bababa sa 248 na mga Pilipino sa Turkey ang naapektuhan ng lindol.

Sa isang panayam, sinabi ni Ambassador Maria Elena Algabre, ang naturang bilang ng mga Pilipino sa rehiyon ay apektado dahil maraming building ang nasalanta, walang kuryente, at malamig at umuulan ang panahon.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Dagdag pa niya, may mga Pilipino nang nasa shelter – ilan sa mga ito ay umalis sa kanilang mga buildings dahil hindi na ligtas manatili sa mga establisyimento o kaya naman ay gumuho na rin ang mga ito.

Paliwanag ni Algabre, hindi bababa sa 78 aftershocks ang naramdaman sa rehiyon at ang ilan sa mga ito ay kasing-lakas ng naunang lindol.