Nakapagtala ngayon ng dalawang pumanaw dahil sa dengue ang lalawigan ng Zambales.
Ito ay base na rin sa kasalukuyang datos na hawak ng Zambales Provincial Health Office mula Enero.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, ang dalawang pumanaw ay mula sa bayan ng Iba at San Narciso na nasa 35-anyos at 9-anyos.
Panawagan ni Bueno sa mamamayan na kung mayroong mga nararamdamang sintomas ay huwag itong ipagsawalang bahala.
Magpakonsulta agad dahil kapag napabayaan ay maaaring mamatay ang isang pasyente.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
