DOLE Bicol mas pinaigiting ang kampanya laban sa child labor sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19

BICOL—Dahil sa nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic, maraming mga Bicolano ang nawalan ng trabaho at lalong nasadlak sa kahirapan.

Dahil dito ay pinangangambahan ang posibleng impact nito sa mga kabataan kung saan maaari silang mabuyo sa child exploitation at child labor.

Bunsod nito ay lalong pinaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ang kanilang kampanya upang supilin ang pag-abuso sa mga kabataan at sa kanilang mga Karapatan.

Kaugnay nito ay iba’t-ibang aktibidad ang isinasagawa ng ahensya sa mga lalawigan upang lalong maitaguyod ang adbokasiya.

Sa lalawigan ng Camarines Norte, nasa 13 mga magulang ng mga kabataang naitala bilang child laborers ang tinuruan hinggil sa RA 9321, o mas kilala bilang law on the elimination of the worst form of child laborers and strong protection for the working children.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nabigyan rin sila ng orientation hinggil sa mga programa ng ahensya kabilang ang Kabuhayan Program at Project Angel Tree na maaari nilang lahukan.

Sa ngayon ay nasa proseso na sila sa pag avail sa mga nasabing programa.

Sa lalawigan ng Masbate, nasa 50 child laborers ang nabigyan ng mga hygiene kits (laman ang alcohol, sabon, shampoo, toothbrush, toothpaste, face towel at nail cutter) at nabigyan din sila ng DOLE Batang Malaya Mugs. Binigyan din sila ng orientation hinggil sa ‘Good Personal Hygiene’, ‘Understanding COVID-19 and How to Stay Safe Amidst Pandemic’ sa tulong ng Masbate City Health Office.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Naipakilala rin sa mga magulang ng mga ito ang mga livelihood projects sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program na maaari nilang ma-avail.

Sa lalawigan ng Albay, nasa 100 child laborers sa mga bayan ng Pioduran at Tiwi ang nabigyan ng mga gift items gaya ng hygiene kits, educational materials, gamot, vitamins, at food packs sa ilalim ng Project Angel Tree.

Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Department of Health, Lions Club, Rotary Club Legazpi, Junior Chamber International (JCI) – Legazpi, Ang Probinsyano Party List, Ako Bikol, at Child International Bicol, Inc. (CIBI).### || SLM