2 lugar, Signal No. 1; Dante, napanatili ang lakas

Isinailalim ang dalawang lugar sa Visayas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 habang napanatili ng Tropical Storm Dante ang lakas nito.

Kabilang sa mga lugar na ito ay ang eastern portion ng Northern Samar (Mapanas, Gamay, Lapinig, Palapag, Laoang) at northeastern portion ng Eatern Samar (Arteche, San Policarpio).

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ni Dante sa 375 kilometers east northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur o 455 km east ng Surigao City, Surigao del na may dalawang lakas na hangin na 75 km per hour, malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 90 kph, habang kumikilos pa northwestward sa bilis na 20 kph.
Hazards

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kaugnay nito, makakaranas ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsa’y malakas na ulan ang Caraga, Davao Region, Eastern Visayas, Bukidnon, at Misamis Oriental dahil sa outer rainbands ng Dante. // MHEL PACIA