2 lalaki sa Albay, biktima ng magkaibang paputok noong araw ng bagong taon

Dalawa pang mga indibidwal mula sa lalawigan ng Albay ang nabiktima ng mga paputok noong mismong unang araw ng bagong taon, Enero 1, 2023.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH) Bicol, isang 36 anyos na lalaki ang naputukan ng fountain sa nasabing araw sa lunsod ng Legazpi, habang ang isa naman ay ang 23 anyos na lalaki mula sa Daraga na nabuktima ng kwitis.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Parehong nagtamo blast at burn injury ang dalawang biktima, ngunit wala naming naitala ang DOH Bicol ng amputations o pagkaputol ng bahagi ng katawan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa pinakahuling datos ng ahensya, nangunguna ang nabanggit na lalawigan sa may pinakamaraming naitatalang kaso ng mga naputukan sa buong rehiyon kung saan umabot na ito sa 12.