Inflation rate sa Pilipinas, inaasahang babagal ngayong taong 2023 – kongresista sa Albay

Naniniwala si Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa Vietnam at India bilang “fastest growing economy” sa Asia-Pacific Region.

Umaasa ang kongresista na babagal na ang inflation rate ngayon taon o sa susunod pang mga taon.

Aniya, unti-unti na ring nakakakuha ng tiwala ang bansa mula sa pribadong sektor na babalik na sa pre-pandemic level ang employment rate.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dagdag pa nito, kinakailangan namang maging agresibo ang pamahalaan upang maging manufacturing destination ang Pilipinas.

Partikular na rito ang manufacturing sector na nakapagtala ng highest annual growth rate na 76.4% noong October 2022.

Dagdag pa ni Salceda, kung mapapanatili ang magandang bilang na ito ay tiyak na kasama ang bansa sa maituturing na fastest growing major economy sa Asya ngayong 2023.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Dahil dito, kailangan mahimok ang mga investors sa BPO at technological manufacturing sector na rito sa bansa mamuhunan kaysa sa ibang bansa.

Sinabi pa niya, isa rin umano sa mga bentahe nito ay ang pagiging sagana ng bansa sa metal resources gaya ng nickel, copper, at gold.