Nasawi sa malalang pag-atake ng kutsilyo ang isang 59-anyos na binata sa Brgy Montecalvario, Bulan, Sorsogon.
Nakarating pa sa Sorsogon Provincial Hospital si Arle Alabin Gerola, residente ng nasabing lugar subalit ‘sumuko’ sa kanyang mga sugat na natamo.
Ayon sa inilabas na ulat ng Bulan MPS, ang insidente ay nangyari alas 2:00 ng madaling araw, Enero 1, 2023 sa Purok 3 ng nasabing barangay.
Kinilala ng Pulisya ang suspek na si Manly Delos Reyes Gueta, naninirahan sa nasabing barangay.
Tumakas ito matapos ang insidente, ayon sa ulat.
Ang insidente ay ini-report sa himpilan ng Pulisya ng kapatid ng biktima.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ang insidente ng pananaksak ay bunsod ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng suspek at ng biktima.
