DALAWA katao ang patay kabilang ang isang armadong lalaki sa isang shooting incident malapit sa U.S consulate building sa Saudi Arabia.
Batay sa ulat, sakay umano ng kotse ay huminto ang armadong lalaki na siya ring suspek sa pamamaril sa naturang lugar. Kinompronta ito ng mga otoridad hanggang sa mauwi sa putukan.
Kabilang sa mga napaslang ang suspek at ang isang gwardiya.
Ayon sa tagapagpahayag ng U.S Department, sinabi na walang mga Amerikano ang nasaktan sa insidente.
Sa kasalukuyan, nananatiling nakikipag-ugnayan ang U.S Embassy at Consulate sa mga otoridad ng Saudi Arabia habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.### HARLIN LUMIBAO, Intern